Panibagong format sa pagpili ng first five sa All Star Game, inilabas ng NBA

NBA – Inanunsiyo ngayon ng NBA ang panibagong format sa mga maglalaro sa All Star Game na gaganapin sa Los Angeles sa February 19, 2018.

Sa nasabing format na inaprubahan ng NBA at ng National Basketball Players Association (NBPA), kung sino man ang mangungunang manlalaro na makakakuha ng malaking boto sa east at western conference ang siyang magiging team captain ng bawat team.

Ang team captain na din ang siyang may karapatan para mamili ng makakasama nito sa first five at mga reserve players.


Naisip ng NBA at ng NBPA na baguhin na ang tradisyunal na pagpipili ng mga starters sa All Star Game base na din sa kahilingan ng mga fans.

Facebook Comments