Tricycle driver na dadalaw lang sana sa girlfriend nito, patay matapos pagbabarilin

Rizal – Natagpuan patay ang isang 21-anyos na tricycle driver na dadalaw lang sana sa girlfriend nito sa Teresa, Rizal.

Sa ulat, galing sa kanilang bahay sa Morong ang biktimang si Jimwell Carigma at minamaneho ang sasakyan ng nobya kung saan nagulat na lamang ang pamilya nito nang mabalitaang patay na ang binata.

Ayon kay Senior Inspector Renato Torres, hepe ng Morong PNP – base sa kanilang imbestigasyon, tatlong lalaking naka-bonnet ang nakita ng hindi nagpakilalang testigo na humarang at sapilitang pinalabas ng sasakyan ang biktima saka ito pinagbabaril.


Dagdag pa ng opisyal hindi pa nila nakakausap ang nobya ng biktima kaya’t hindi pa nila malaman kung ano ang motibo sa krimen.

Hindi pa naman malinaw sa pamilya ng biktima kung bakit ginawa ito sa kanilang anak lalo na’t wala itong nakaka-away at hindi din nai-involve sa anumang iligal na aktibidad.

Facebook Comments