Panibagong ‘hazard pay’ para sa enforcers, itinutulak ng MMDA

Itinutulak ni MMDA Chairman Danilo Lim, na magkaroon ng panibagong hazard pay ang mga traffic enforcers sa bansa.

Posible kasing makatanggap ulit ng hazard pay ang mga traffic enforcer, ayon sa pinuno ng MMDA.

Ayon kay Lim, importante na may dagdag benepisyo ang mga enforcers natin sa harap ng higit 2,000 field employees ng ahensiya sa Quirino Grandstand.


Tiniyak din ni Lim ang pagsusulong na magkaroon ng mas mataas na sahod at pagdami ng mga regular at casual na empleyado sa bansa.

Umaasa naman si Lim na magkakaroon ng pondo ang MMDA para sa karagdagang bayad.

Matatandaang noong Hunyo, pinag-aaralan ng isang grupo mula University of the Philippines ang mga enforcer na makaranas ng sari-saring sakit, gaya ng high blood pressure at problema sa paghinga, dahil sa polusyon sa mga kalsada.

Facebook Comments