Binuweltahan ng kampo ni dating Sen Bongbong Marcos ang hirit ng kampo ni Vice President Leni Robredo nais na nilang madesisyunan sa lalong madaling panahon ang election protest ni Marcos.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, Mistulang cover up ito ng kampo ni Robredo sa findings ng Commission on Audit kung saan pinapanagot ng COA ang bise presidente sa paggamit sa pondo ng Angat Buhay program.
Partikular dito ang usapin sa mahinang pagkakaplano ng proyekto at kakulangan sa mga dokumento
Nilinaw din ni Rodriguez na wala pang pinalalabas ang Presidential Electoral Tribunal na official findings hinggil sa figures sa recount at revision ng mga balota sa resulta na lumabas sa vote counting machine (VCM).
Taliwas aniya ito sa pinalalabas ni Atty Romulo Macalintal, abogado ni Robredo na lamang ng 15,000 votes ang bise presidente sa tatlong pilot provinces na tinukoy ni Marcos sa kanyang poll protest.