PANIBAGONG KASO | Halos 1,000 bagong kaso ng HIV, naitala noong Setyembre

Manila, Philippines – Halos 1,000 bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) infection ang naitala ng Department of Health (DOH) para sa buwan ng Setyembre.

Sa datos na inilabas ng HIV/AIDS Registry of the Philippines, umabot sa 954 ang bagong kaso ng hiv nitong Setyembre na mas mataas sa 938 na naitala sa kaparehong panahon noong 2017.

Sa nasabing buwan, dalawampu’t apat ang nasawi.


Samantala, 85% o 563 sa kabuuang bilang ang nakuha ang HIV sa pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki; 237 ang nakipagtalik sa parehong babae at lalaki; habang 136 dahil sa male to female sex.

Siyam na kaso naman ay dahil sa needle sharing at apat dahil sa mother-to-child transmission.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng bagong HIV cases sa Metro Manila (266); sinundan ng CALABARZON (141) at Central Luzon (104).

Dahil dito umabot na sa 8,553 ang kabuuang bilang ng bagong hiv infections simula enero kabilang ang 1,520 na kaso ng aids (Acquired Immunodeficiency Deficiency Syndrome) kung saan 459 na ang namatay.

Pero kung susumahin mula 1984, umabot na sa 59,135 ang hiv cases na naitala ng doh kung saan 6,588 ang full-blown AIDS at 2,917 na ang nasawi.

Facebook Comments