Panibagong kaso ng bird flu sa Pilipinas, naitala sa San Luis, Pampanga

Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang panibagong kaso ng bird flu sa isang egg farm sa San Luis, Pampanga.

Dahil dito, sinabi ni BAI Director Ronnie Domingo na aabot na sa 38,701 na mga manok ang isinailalim sa culling bilang bahagi Avian Influenza Protection Procedure.

Agad ding nagpatupad ng Integrated Disease Control Measures ang Central Luzon Regional Field Office ng Department of Agriculture (DA), Provincial Veterinary Office at ang Local Government ng San Luis para maiwasan ang pagkalat ng H5N6 strain ng Avian Influenza.


Ang H5N6 strain ay bunsod ng pagdagsa ng migratory birds sa San Luis na nagmula sa ibang bansa.

Ito rin ang strain na tumama sa lalawigan ng Nueva Ecija halos apat na buwan na ang lumipas, pero na-clear na ng DA matapos na wala nang mapaulat na kaso sa loob ng 90 araw.

Facebook Comments