Isa pang kaso ng polio ang naitala ng Department of Health (DOH) sa Nueva Ecija.
Bunga nito umaabot na sa labing pito ang kaso ng Polio sa bansa.
Ayon sa DOH, isang taong gulang na batang lalaki mula sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ang ikalabing pitong kaso ng Polio.
Nabatid na ang nasabing bata ay nagkaroon ng lagnat at bigla na lamang itong nanghina sa kanyang kaliwang lower limb lower leg.
Nagbabala rin ang DOH sa patuloy na pagkalat ng poliovirus kaya mahalagang mabakunahan ang mga bata.
Kaugnay nito, ipagpapatuloy ng DOH ang Sabayang Patak Kontra Polio (SPKP) campaign National Capital Region at sa mga rehiyon sa Mindanao.
February 17 – March 1 ang sabayang patak kontra polio sa Mindanao habang February 24 – March 8 sa Metro Manila.
Facebook Comments