Manila, Philippines – Isang Low Pressure Area ang binabanatayan sa silangang bahagi ng Mindanao.
Huli itong namataan sa layong 750 kilometro ng silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Sa ngayong ay mababa pa ang tyansang maging ganap na bagyo ang LPA na inaasahang tatawid sa Visayas.
Asahan na ang isolated thunderstorm sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon at Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa tail end of cold front at trough ng LPA.
Makakaranas naman ng isolated light rains dahil sa amihan ang Ilocos at Cordillera Region habang isolated rain shower ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Mainit at maalinsangang panahon na may mga isolated rain shower ang mararanasan sa Mindanao.
*Sunrise: 5:52 am*
*Sunset: 5:27 pm*
Facebook Comments