White House, isinailalim sa lock down dahil sa kahina-hinalang aktibidad sa north fence line complex

World – Isinailalim sa lockdown ang White House matapos ang mga kahina-hinalang aktibidad sa kahabaan ng north fence line ng complex.

Ayon sa U.S. Secret Service, isang lalaking nakilalang si Ervin Pettaway ang lumapit sa uniformed division officer na nasa north side ng Pennsylvania Avenue at nagsabing may pampasabog sa lugar.

Agad na pinakalat ang mga secret service k-9 at Metropolitan Police Department Explosive Ordnance Division (MPD EOD) para inspeksyunin ang paligid.


Natagpuan nila ang cellphone ni Pettaway pero wala silang na-detect na anumang pampasabog kaya naideklara ding cleared ang lugar.

Nahaharap naman sa isang count ng felony threats si Pettaway.

Facebook Comments