Tumaas nanaman ngayong araw ang presyo ng produktong petrolyo.
Ito ay matapos magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo na P4.30 sa kada litro ng diesel, P2.15 sa gasolina at P4.85 sa kerosene.
Kaninang alas-12:01 ng hatinggabi nagpatupad ang kumpanyang caltex habang sumunod naman kaninang alas-sais ang Shell, Seaoil, Flying V, Petron, PTT Philippines, Petro Gazz, Phoenix Petroleum maliban sa Cleanfuel na kaninang alas-8:01 ng umaga.
Dahil sa panibagong taas presyo, malapit nang umabot sa isandaang piso ang presyo ng kada litro ng gasolina sa Metro Manila habang mahigit P80 na ang kada litro ng diesel.
Muling tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado matapos alisin ang lockdown sa ilang lugar sa China at ang driving season sa Estados Unidos.