Panibagong missile test ng Pyongyang, ipinagmalaki ni North Korean Leader Kim Jong Un

North Korea – Itinuturing ni North Korean Leader Kim Jong Un na perpekto ang ginawang panibagong missile test ng Pyongyang kahapon.

Kasabay nito, ipinagmalaki ni Kim na tagumpay ang pinakawalan na intermediate-range ballistic missile na isang land-based version ng submarine-launched missile ay may kakayahang magdala ng malaking nuclear warhead.

Ayon kay Jong Un – very accurate ang pagtama ng Pukguksong-2 missile bilang kanilang strategic weapon.


Batay sa South Korean Military ay pinakawalan ito sa Pukchang County sa South Phyongan Province sa North Korea na lumipad ng 500 kilometro.

Ang magkasunod na missile test ng Pyonyang ay dahilan upang maging komplikado ang pinaplanong hakbang ni South Korean President Moon Jae-In sa pagresolba sa tensyon ng Korean Peninsula.
DZXL558

Facebook Comments