Asahan na ang panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, wala pang nagbabago sa supply at demand at inventory ng langis sa bansa.
Aniya, patuloy pa rin ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine na nakakaapekto sa produksyon at presyo ng langis sa world market.
Mababatid na ito na ang magiging ikawalong linggong oil price hike.
Sinabi naman ni Abad, posibleng sa kalagitnaan pa ng taon bumuti ang supply ng langis sa pandaigdigang merkado.
Facebook Comments