Ilaw sa Palacio del Gobernador, tiniyak na papalitan ng COMELEC

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na papalitan ang ilaw sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila matapos itong “makulayan” ng politika.

Ayon kay COMELEC Spokesman Director James Jimenez, mayroong pumansin sa kulay pula at berde ng ilaw sa gusali.

Pero wala aniyang ng kinalaman ang COMELEC sa naturang kulay at nirerentahan lamang nila ang gusali.


Nilinaw naman ni Jimenez na hindi niya alam kung anong kulay ang ipapalit sa gusali pero natitiyak siyang aalisin na ang Christmas colors.

Mababatid na ang kulay pula at berde ang campaign colors na ginagamit nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at running mate niyang si Davao City Mayor Sara Duterte.

Facebook Comments