Medical mission ng Philippine Army sa Patikul, Sulu – binulabog ng tatlong pagsabog

Sulu – Binulabog ng tatlong malalakas na pagsabog ang barangay tanum sa bayan ng Patikul, Sulu.

Naganap ang pagsabog alas 12:30 kahapon ng tanghali habang nagsasagawa ng medical mission ang 11th infantry division ng Philippine Army sa Tanum Elementary School.

Wala namang naitalang namatay o nasaktan ayon sa mga otoridad.


Naniniwala si Lt. Col. Diosdado Pambid ng 6th division special forces batallion na kagagawan ng Abu Sayyaf Group ang pagsabog.

Maaari aniyang konektado ito sa naganap na pagpapasabog sa Jolo cathedral nitong Enero.

Kamakailan lang din nang magkasagupa sa patikul ang militar at ASG kung saan limang sundalo at tatlong bandido ang namatay.

Facebook Comments