May bigtime price hike na naman sa mga produktong petrolyo sa Martes.
Maglalaro sa P1.10 hanggang P1.25/Litro ang inaasahang dagdag sa gasolina habang aabot sa P0.65 hanggang P0.80/Litro sa diesel.
Nasa P0.70 hanggang P0.80/Litro naman sa kerosene.
Nauna nang nag-anunsyo ng dagdag-presyo sa gasolina at diesel ang kumpanyang unioil.
Ang panibagong dagdag singil ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng langis sa world market.
Facebook Comments