26 patay, 56 sugatan sa terror attack sa Somalia

65

Patay ang 26 na katao habang 56 ang sugatan sa nangyaring terror attack sa isang hotel sa Somalia kahapon.

Unang pinasabog ng mga terorista ang sasakyan sa gate ng Asasey Hotel saka ang lugar at nakipagbarilan pa sa mga otoridad.


Umabot ng labindalawang oras ang engkwentro bago napatay ang mga suspek.

Inako naman ng grupong Al Shabaab ang nasabing pag-atake.

Lumalabas sa imbestigasyon na pulitika ang motibo ng mga suspek dahil karamihan ng namatay sa pag-atake ay opisyal ng gobyerno at mga kandidato.

Facebook Comments

From Advertisers