Syam na libong pulis idedeploy sa gagawing SONA ng pangulo

Magdedeploy ang Philippine National Police ng syam na libong pulis para tiyakin na magiging payapa at maayos ang ika 4 na State of the nation address o SONA ng pangulo.

 

Ayon kay PNP  Chief Police General Oscar Albayalde  dalawang linggo nang nagsasanay ang mga pulis na idedeploy para sa SONA.

 

Partikular ang mga miyembro ng Civil Disturbance Management Unit o CDM unit na nakatalaga sa National Capital region police office.


 

May magmumula rin sa PNP Region 3, PNP 4A at Special Action Force.

 

Gagawin ang ika apat na SONA sa July 22, 2019.

 

Nang nakalipas na taon pitong libong pulis ang ipinakalat nang magsagawa ng SONA ang pangulo.

Facebook Comments