Panibagong P100,000 incentive, ibibigay sa mga barangay na may zero COVID-19 case

59

Magbibigay ng panibagong insentibo ang lokal na pamahalaan ng Maynila para sa mga barangay na may zero COVID-19 case sa susunod na dalawang buwan.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, tig-P100,000 ang incentive sa bawat barangay.


Base sa Executive Order 45 na inaprubahan ng lokal na pamahalaan, dapat ay walang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 mula December 1, 2020 hanggang January 31, 2021.

Bukod sa reward ay bibigyan din ng pagkilala o certification ang mga barangay.

Maaari pa ring sumali sa round 2 ng panibagong incentive ang mga barangay na nauna nang nakatanggap nito.

Matatandaang kamakailan lamang, 73 na barangay ang nabigyan ng tig-P100,000 dahil sa zero COVID case sa loob ng dalawang buwan.




Facebook Comments