Panibagong record high na bilang ng mga naturukan ng COVID-19 vaccine sa loob ng isang araw, naitala kahapon

Muling nakapagtala ang Pilipinas ng record high na bilang ng mga nabakunahang indibidwal sa loob nang isang araw.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, sa kabila ng kakulangan ng supply ng ating mga bakuna ay ipinakita ng mga Local Government Units, provincial governments, at pribadong sektor na kaya nating mapabilis ang rollout.

Ipinagmamalaki din ni NTF Deputy Chief Implementer Vince Dizon na sa loob lamang ng linggong ito ay dalawang beses natin nahigitan ang record sa may pinakamaraming nabakunahang indibidwal.


Hanggang nitong Hulyo 14, nasa 22 million COVID-19 doses na ang naiturok sa bansa kung saan apat na milyon naman ang fully vaccinated na.

Facebook Comments