Panibagong record sa hawak na gold medals, nakamit ng Filipino karateka na si James delos Santos

Aabot na sa 37 gold medals ang hawak ng Filipino karateka na si James delos Santos matapos ang laban nitong biyernes.

Nakamit ni Delos Santos ang bagong record matapos matalo si Matias Moreno Dormont ng Switzerland sa finals ng Athletes’ E-Tournament

Labis naman ang kasiyahang ipinamalas ni Delos Santos sa Instagram post nito.


Bago ang laban kay Dormont, unang tinalo ni Delos Santos si Sergio De Cabo ng Spain para umabante sa finals.

Umaasa naman ang Filipino karateka na madagdagan pa ang hawak na gold sa mga susunod niyang laban.

Facebook Comments