Panibagong relief supplies, inihatid ng barko ng PCG sa Catanduanes

Dumating na sa Virac, Catanduanes ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na naghatid ng panibagong mga relief supplies para sa mga residenteng hinagupit ng mga sunod-sunod na bagyo.

Kahapon ng madaling araw, umalis ng Maynila ang BRP Gabriela Silang ng PCG at ligtas na dumaong sa Port of Virac dala ang 65 toneladang pagkain, mga gamot, hygiene kits at iba pang relief supplies.

Ayon sa PCG, ang mga relief supplies ay donasyon mula sa iba’t-ibang organisasyon at mga pribadong indibidwal.


Ayon sa PCG, magpapatuloy rin ang kanilang relief supply transport mission hanggat may dumadating na tulong para sa mga biktima ng mga bagyo.

Facebook Comments