Panibagong resolusyon na nagsusulong ng economic amendments sa 1987 Constitution, inihain sa Kamara

Inihain ngayon sa Kamara ang Resolution of Both Houses No. 7 na kaparehong-kapareho ng Resolution of Both Houses No. 6 na kasalukuyang tinatalakay ng Senado.

Isinusulong din nito ang pag-amyenda sa tatlong economic provision ng 1987 Constitution na kinabibilangan ng Sections 12, 14 at 16 sa pamamagitan ng constituent assembly.

Ayon kay Representative Gonzales, ang panukala ay patunay ng suporta ng Kamara sa Senado para sa hangad na pag-amyenda ng Saligang Batas.


Umaasa naman si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na ang kanilang hakbang ay makakatulong para maalis ang agam-agam na maipapasok ang amyenda para sa political provisions.

Binibigyang diin sa RBH 7 na kailangang baguhin ang economic policy ng bansa upang makatugon sa tumitinding demand o mga pagbabago sa buong mundosa layuning maprotektahan ang kapakanan at kinabukasan ng bansa at mamamayan.

Facebook Comments