Panibagong rocket launch ng China, ni-reschedule ng Pebrero

Ipinagpaliban ng China ang paglulunsad ng Long March 8A rocket sa susunod na buwan.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), ang rocket launch ay orihinal na nakatakdang ilunsad mula Wenchang Spacecraft Launch Site sa Hainan, China noong Sabado.

Una nang nagbabala ang OCD sa mga ahensya ng gobyerno na tiyaking ligtas ang mga residente sa mga coastal areas na maaaring maapektuhan ng mga malalaglag na bahagi ng rocket.


Tatlong drop zones ang natukoy: 85 nautical miles mula sa Rozul Reef, 40 nautical miles mula Puerto Princesa, Palawan, at 33 nautical miles mula Hadji Muhtamad, Basilan.

Sa advisory ng OCD, sinabi nitong wala pang tiyak na petsa ang paglunsad ngunit maglalabas ng abiso ang Philippine Space Agency sa oras na makumpirma ito.

Facebook Comments