
Umabot sa 2,765 mula sa 5,457 na mga pulis ang naparusahan matapos masangkot sa iba’t-ibang kaso noong 2024.
903 sa mga ito kabilang ang ilang mataas na opisyal tulad ng lieutenant colonels, majors, captains at lieutenants, ang nasibak sa serbisyo.
Kasama sa iba pang parusa ang demotion, forfeiture of salary, reprimand, restriction at withholding of privileges.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, ipinapakita lamang dito ang kanilang dedikasyon na matanggal ang mga bulok na itlog sa kanilang hanay habang iginagalang ang due process.
Kasama rin sa mga ipinatupad na reporma ng PNP ang Internal Disciplinary Mechanism at Zero-Backlog Program upang labanan ang katiwalian.
Samantala, sinabi pa ni Marbil na patuloy nilang itinataguyod ang serbisyo nang may karangalan at integridad para sa mamamayang Pilipino.