Tuloy-tuloy ang good news sa mga consumer.
Sa ikaapat na sunod na linggo ay panibagong roll back sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Department of Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, dahil sa sobrang supply ng krudo sa world market ang muling pagtapyas sa presyo ng mga ito sa lokal na pamilihan.
Sa ngayon ay patuloy na kinakalap ng DOE ang mga datos hinggil sa rollback dahil nakabinbin pa ang resulta ngayon ng oil trading.
Facebook Comments