Panibagong salary adjustment sa susunod na taon para sa mga kawani ng gobyerno, siniguro ng DBM

Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na may salary adjustment sa hanay ng mga government employee sa susunod na taon.

Ang pagtiyak ay ginawa sa gitna ng hirit ng ilang unyon mula sa pampublikong sektor na itaas ang minimum salary ng mga nagtatrabaho sa gobyerno.

Paliwanag ng DBM, huhugutin ang 2023 salary adjustment sa last tranche sa bisa ng Republic Act No. 11466 o ang Salary Standardization Law 5 na ipatutupad sa taong 2023.


Paliwanag ng ahensiya na anumang pagtaas sa sweldo ng mga kawani ng gobyerno ay kailangang dumaan sa legislative measure at kapag naihain na ang panukalang batas kaugnay rito sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ay bago magbibigay ng input, komento at rekomendasyon ang DBM.

Facebook Comments