Panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo, epektibo ngayong araw!

Epektibo mamayang alas sa 6:00 ng umaga, epektibo na ang panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.

Batay sa abiso ng mga kumpanya ng langis, aabot sa P0.25 kada litro ang dagdag presyo ng gasolina habang P0.20 kada litro sa diesel.

Ang SeaOil, Caltex, Flying V, Shell at Petron ay may P0.10 bawat litro ring dagdag sa kanilang kerosene o gaas.


Ang taas-presyo ay bunsod ng mataas na halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.

Facebook Comments