Panibagong taas-singil sa kuryente ng Meralco, asahan ngayong buwan

Asahan na ang mas mataas na electricity bill sa mga konsyumer ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan.

Sa inalabas na abiso ng Meralco, posibleng tumaas ang bayarin ng isang residential customer ng P0.3256 per kilowatt-hour (kWh) o katumbas ng halos P9.4630 per kWh para sa buong buwan ng Nobyembre.

Ibig sabihin, pwedeng madagdagan ng P65.12 ang kabuuang bill ng isang residential customer na kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan; P97.68 sa mga kumukonsumo ng 300 kWh at P162.6 para naman sa 500 kWh.


Paliwanag ng Meralco, ang nangyaring Malampaya facility maintenance shutdown ang nagtulak sa kanila para taasan ang generation charge dahil sa pagtaas ng costs of power mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at Independent Power Producers (IPPs).

Nabatid na ito na ang ika-walong buwan ng sunod-sunod na pagtaas sa household power rate ng Meralco.

Facebook Comments