Umapela si Senator Francis “Kiko” Pangilinan kay Pangulong Rodrigo Duterte na makipagdayalogo sa leaders ng mga hog raiser groups.
Ayon kay Pangilinan, ito ay para higit na maunawaan ng Pangulo ang panig ng mga magbababoy at mailatag ang tamang hakbang para maisalba ang lokal na industriya sa harap ng African Swine Fever (ASF) outbreak.
Ginawa ni Pangilinan ang panawagan makaraang sabihin sa pagdinig ng Senado ng mga hog raiser na hindi sila kinonsulta kaugnay sa Executive Order number 128.
Nakapaloob sa nasabing EO ang pagtaas sa volume ng aangkating imported na karne ng baboy at pagbaba ng taripa na ipinapataw dito.
Naniniwala si Pangilinan na hindi naman bingi at bulag si Pangulong Duterte sa pinagdadaanan ngayon ng mga lokal hog raiser.
Umaasa si Pangilinan na mapagbibigyan ng Pangulo ang hirit na dayalogo upang masolusyunan ang hinaing ng nga magbababoy at buhayin muli ang agriculture sector para maging self-sufficient tayo sa pagkain kahit may pandemya.