Iginiit ni Senate President Tito Sotto III sa Committee on women, children, family relations and gender equality na maging patas at ikonsidera din ang panig ng mga kontra sa SOGIE equality bill lalo na ang mga kabahaihan.
Kapansin-pansin para kay Sotto sa naunang pagdinig na isinagawa ng komite na pinamumunuan ni Senator Risa Hontiveros, ay tanging mga pabor lang sa panukala ang inimbitahan.
Ayon kay Sotto, karamihan dito ay mula sa panig ng LGBT community na nais makagamit din ng comfort rooms o CR para sa mga kababaihan.
Tiniyak ni Sotto na kikilos sila para maipabalik sa komite ang SOGIE equality bill sa oras na ilatag ito sa plenaryo nang wala ang panig ng mga kontra at maaapektuhan nito.
Facebook Comments