Panimulang- negosyo, sinimulan ng ipamahagi ng DTI sa mga bakwit ng Marawi

Manila, Philippines – Bilang bahagi ng pagsisikap ng business & livelihood committee ng task force bangon Marawi na magkaloob ng tulong sa mga internally displaced persons sa Marawi City.

30 sari-sari store starter kits ang ipinamahagi at ipapamahagi pang muli Department of Trade & Industry.

Ang starter kit ay ibinigay sa mga bakwit na nanunuluyan sa mga evacuation centre sa Iligan City at Lanao del Norte.


Layon nitong bigyan ng pagkakakitaan ang mga IDPs habang sila ay nananatili parin sa mga evacuation center.

Umaasa naman ang consumer protection division ng DTI na itutuloy ng mga ito ang pagnenegosyo kapag tuluyan nang nagdeklarang ligtas ang Marawi nang sa gayon ay hindi na sila umasa o nakadepende pa sa tulong ng pamahalaan.

Samantala, hinihimok din ng DTI ang bakwit na manatiling maging matyaga at determinado habang ginagamit nila ang kanilang mga starter kits para sa kanilang pamumuhay.

Facebook Comments