Paninigarilyo at paggamit ng vape, pinaiiwas ng DOH sa publiko

Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) hinggil sa masamang epekto ng
paninigarilyo at paggamit ng vape.

Ayon kay DOH-National Capital Region (NCR) Regional Director Dr. Gloria Balboa, ito ay upang mabawasan ang panganib na tamaan ng kanser sa baga.

Batay kasi sa datos ng kagawaran, nangunguna ang lung cancer sa lahat ng uri ng kanser na sanhi ng kamatayan sa bansa, kung saan umaabot na ito sa 17,063.


Ayon din sa World Health Organization, karaniwang dahilan ng pagkasawi sa buong mundo ang kanser.

Facebook Comments