Para kay Vice President Leni Robredo, nagbibigay pag-asa sa mga Pilipino ang katayuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, ikinalugod ni Robredo ang paninindigan ni Locsin sa soberenya ng bansa sa WPS.
Wala ring nakikita ang bise presidente sa pagpapanatili ng maayos na relasyon sa China, pero binigyang diin niya na kailangang igalang ng Beijing ang soberenya ng bansa.
Matatandaang sinagot ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. ang isang netizen kung ano ang katayuan ng kagawaran sa pagpapakita ng kapangyarihan ng China sa pinagtatalunang teritoryo, kung saan sagot ng kalihim ay sa atin ang WPS at kinuha ito ng China.
Iginiit din ni Locsin na may desisyon na ang International Arbitration Court hinggil dito kung saan pinaboran ang Pilipinas.