Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos ang suspensyon ng “pass-through fees” para sa mga sasakyang nagbabiyahe ng mga produkto.
Sa ilalim ng Executive Order no. 41, bawal nang maningil ang mga LGU ng toll fees at iba pang bayarin mula sa mga sasakyang naghahatid ng mga produkto na dumadaan sa anumang national road at iba pang kalsadang hindi naman ipinagawa ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa Palasyo, ang pass-through fees ang isa sa nagpapataas sa gastusin ng mga trader na ipinapasa naman sa mga produktong binibili ng mga mamimili.
Kabilang sa mga sinuspindeng singilin ay sticker fee, discharging fee, delivery fee, market fee, toll fee, entry fee o mayor’s permit fee.
Nagpahayag naman ang mga LGU ng kahandaang sumunod sa utos ng pangulo.
Facebook Comments