Paniningil ng take-off, landing at parking fee sa NAIA, ipinagpaliban

Ipinagpapaliban muna ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang paniningil ng take-off, landing at parking fee sa mga local airlines.

Paliwanag ni MIAA General Manager Ed Monreal, layon nitong mahikayat ang mga lokal na turista na bumisita sa mga destinasyon sa bansa para makatulong sa industriya ng turismo at sa gastusin ng mga local carrier.

Sabi ni Monreal, epektibo ang suspensyon ng paniningil ngayong araw at iiral hanggang mayroong usapin ng COVID-19.


 

Facebook Comments