Paniningil ng toll fee sa Skyway Stage 3, sisimulan na

Kinumpirma ng San Miguel Corporation (SMC) na sisimulan na ang paninigingil ng toll fee sa mga motoristang gagamit ng Skyway Stage 3 epektibo sa July 12.

Ayon sa SMC, ibabatay ang singilin sa pagdaan sa 18-kilometrong Skyway Stage 3 sa bagong toll fee matrix.

Tiniyak naman ni SMC President and Chief Operating Officer Ramon Ang na mas mababa ang singilin kumpara sa orihinal na proposed toll fee.


Ginawa ng SMC ang anunsyo kasunod na rin ng pag-isyu ng Toll Operating Permit at Notice to Start Collecting Toll ng Toll Regulatory Board (TRB) sa Skyway Stage 3.

Ipapaskil naman ng SMC ang pinal na naaprubahang toll rates sa lahat ng mga toll plaza nito bago mag-July 12.

Ang Skyway Stage 3 ay nagkukunekta sa South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX)

Facebook Comments