Paniningil ng toll sa SLEX, hiniling na suspendihin o kaya ay bawasan muna

Hiniling ni Laguna Rep. Sol Aragones na isuspinde o hindi kaya ay bawasan ang sinisingil na toll fee sa South Luzon Expressway.

 

 

Sa inihain nitong House Resolution 428, pinapasuspinde ang paniningil o kaya ay pinapabawasan ang singil sa toll sa SLEX sa loob ng anim na buwan.

 

 

Dahil kasi sa konstruksyon sa Skyway extension, kinailangang isara ang ilang lanes sa SLEX na nagdudulot ngayon ng incovenience sa 370,000 na mga motorista at mga commuters.


 

 

Ayon kay Aragones, maliit na bagay lamang ito kung ikukumpara sa pasakit na dinaranas ng mga commuters dahil sa “carmageddon” sa SLEX.

 

 

Ipinauubaya naman ni Aragones sa isasagawang pagdinig kung hanggang magkano ang bawas singil sa toll na ipatutupad upang hindi naman maapektuhan ang operasyon ng naturang expressway.

 

 

Depende rin ang itatagal sa suspensyon o bawas singil sa SLEX toll kung mas maaga naman sa anim na buwan matatapos ang Skyway extension.

 

Facebook Comments