Paninisi ng Duterte administration sa nakaraang administrasyon hinggi sa isyu sa WPS, pinalagan!

Muling binanatan ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang Duterte administration at sinabing nililihis nito ang atensyon ng taong bayan sa tunay na isyu.

Ito ang binigyang-diin ni Trillanes sa interview ng RMN Manila matapos ibaling ng Duterte administration sa nakaraang administration at sa senador ang sisi kung bakit nawala umano sa Pilipinas ang Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.

Nabatid na taong 2012 nang magkaroon ng back channel ang Pilipinas sa pangunguna ni Trillanes sa China dahil sa Scarborough Shoal stand-off kung saan sinabi umano ng Duterte administasyon na ibinenta ng senador ang nasabing isla sa Beijing.


Giit ng senador, paano niya ibinenta ang Scarborough sa China gayong sila ang nagpaalis sa mga barko ng Beijing at nagsampa pa sila ng kaso sa arbitral tribunal.

Ayon kay Trillanes, ibinabato lang sa kanila ang sisi sa kabiguan ng Duterte administration na tuparin ang ipinangako sa taong bayan noong nakaraang halalan na ipaglalaban ang ating teritoryo ng Pilipinas laban sa China.

Facebook Comments