Nahihibang na naman umano si Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison.
Sinabi ito ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brigadier Gen Edgard Arevalo matapos na sabihin nito na hahantong sa kudeta ng militar kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabasura nito sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos.
Sinabi ni Arevalo tila ihihahalintulad ni Sison ang AFP sa terrorist army nitong New People’s Army (NPA) na sumusuway sa kaniyang mga utos at binabalewala ang kaniyang mga ipinaglalaban.
Payo naman ni AFP spokesman na huwag nang patulan at pansinin ang ganitong uri ng pahayag ni Sison dahil nabibigyan lamang ito ng hindi karapat dapat na atensyon.
Matatandaang sa pahayag ni Sison, dismayado ang malaking puwersa ng militar matapos ipadala ni Duterte ang ‘notice of termination’ ng VFA sa Embahada ng Estados Unidos na maari aniyang magresulta sa pag aaklas ng AFP officers at enlisted men para ibagsak ang administrasyon.