Paniniwala ni Senator Lacson na may pork barrel sa National Budget, hindi natinag ng mariing pagtanggi ng DBM

Manila, Philippines – Hindi kinagat ni Senador Panfilo Lacson ang iginigiit ni Budget Secretary Benjamin Diokno na walang nakasingit na Pork Barrel Fund sa panukalang pambansang pondo para sa taong 2018.

Ayon kay Lacson, palagi namang ganito ang pahayag ng Dept. of Budget and Management at ng House Appropriations Committee bago, pagkatapos at habang isinasagawa ang deliberasyon ng National Budget.

Giit ni Lacson, halip na tumanggi ay dapat maging tapat ang mga ito sa kani kanilang sarili at sa taumbayan.


Ayon kay Lacson, makabubuting ipaliwanag na lang ng DBM kung ang malalaking lump sums sa budget ng ilang ahensya ng gobyerno tulad ng Dept. of Public Works and Highways, Dept. of Education at Dept. of Agriculture.

Nais din ni Lacson na malaman ang dahilan kung bakit pinagsusumite ang mga mambabatas ng listahan ng kanilang mga proyekto bago ang period of amendments para sa pagpasa ng National Budget.

Patunay aniya nito ang mga billboards sa ilang proyekto kung saan nakalagay ang pangalan ng mga kongresista.

Muli binanggit ni Lacson ang nadiskubre niyang pork pork barrel sa 2017 General Appropriations Act na nagkakahalaga ng 8.3 billion pesos at kanyang ipinalipat sa para mapondohan ang libreng matrikula ng mga estudyante sa State Universities and Colleges SUCs.

Facebook Comments