Manila, Philippines – Hinimok ni LTFRB Spokesperson Aileen Lizada na kuhanan ng screen shots ang mga Transport Network Vehicles Service na sumisingil na ng dagdag pasahe kahit hindi aprubado ng regulatory agency.
Ayon kay Lizada, maaring i-post sa LTFRB Social Media Citizen Enforcer o LTFRB Twitter ang mga reklamo.
Agad naman tatawagin ang pansin ang inirereklamong TNVS.
Tiniyak ni Lizada na may mga administrator sila ng mga Social Media Arm ng LTFRB na mag-aasikaso sa resulta ng mga complainants.
Binigyan diin ni Lizada na tanging ang Grab Philippines pa lamang ang may nakasalang na petisyon na nakatakda pa lamang dinggin sa Pebrero katorse.
Walang papayagan na magtaas pasahe hanggang Marso habang wala pang pinal na aksyon ang LTFRB board.
Facebook Comments