Manila, Philippines – Malaking panlilinlang sa mga Pilipino ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi dapat mabahala ang publiko sa 5.2% inflation rate.
Giit ni Albay Representative Edcel Lagman, “grand deception” o panloloko sa taumbayan ang katwiran ng palasyo ng Malacañang na hindi dapat ipangamba ang inflation rate dahil sa maraming tax exemptions na nakapaloob sa TRAIN Law.
Giit ni Lagman, hindi sapat ang P200 unconditional cash transfer kada buwan na ipinamamahagi sa mga mahihirap na pamilya para tugunan ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin.
Ang free tuition fee para sa kolehiyo ay katiting na porsyento lamang kumpara sa iba pang binabayaran ng mga estudyante na board and lodging, transportation, meal allowance, libro at iba pang gamit sa paaralan.
Aniya pa, ang inflation rate na mas mataas sa 2% ay malaki na ang epekto sa pagtaas ng bilihin at serbisyo.
Paliwanag pa ng kongresista, ang pagtaas ng inflation ay sukatan sa pag-angat o pagbagsak ng ekonomiya, savings, investments, foreign exchange, debt service at sahod ng mga manggagawa.