PANOORIN: Aktwal na pananalasa ng buhawi sa Marawi City

24455
Courtesy Zia Alonto Adiong

Nawasak ang ilang bahay, establisyimento, at estraktura sa Marawi City matapos manalasa ang isang buhawi sa Barangay Bo, pasado alas-dos ng hapon nitong Lunes.

Sa mga viral video at larawan, makikita ang mga nagliliparang bubong at iba pang pinsalang dinulot ng matinding hangin.


Hindi nakaligtas sa hagupit ng buhawi ang gusali ng city hall at Amai Pakpak Hospital.

Nawasak rin ang bubong ng isang paaralan at mga kotseng nakaparada sanhi ng nagbagsakang yero.

Nadamay rin ang karatig-barangay na Sagonsongan, Barrio Fort, Bangon, Green at Saber.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction Management Office, tumagal ang pananalasa ng buhawi ng sampung minuto.

Sa ngayon, nagsasagawa ng assessment ang Provincial Disaster Risk Reduction Management para malaman ang lawak ng iniwang pinsala ng namuong buhawi.

Wala naman naiulat na nasawi o inilikas dahil sa naturang insidente.

Facebook Comments

From Advertisers