PANOORIN: Alex Gonzaga nag-tour sa office ni Heart Evangelista

Image via Heart Evangelista @iamhearte on Instagram

Sa isang latest post ni Alex Gonzaga, ifineature niya ang kaniyang kaibigang celebrity na si Heart Evangelista.

Dapat sana ay house tour, pero nauwi sa office tour ang latest vlog.

“Ngayon aaminin ko na, idol ko dati si Heart talaga,” sabi ni Alex kay Heart. Sumagot naman si Heart na, “At ngayon idol naman kita!”


“Okay pala ‘tong kotse mo. Heart, Heart, may Echo,” pabirong komento ni Alex kay Heart habang nasa loob ng kotse.

Ikinuwento rin ni Alex ang lesson na hindi niya makalimutan noong mga panahong hindi pa siya maka-get over sa kaniyang mga ex.

“Hahabulin mo nang habulin. Isang araw pagkagising mo, aayaw ka na sa kaniya,” aniya.

Muling biniro ulit ni Alex si Heart kung saan may echo ulit ang office nito.

Si Echo (Jericho Rosales) ay naging nobyo ni Heart noong 2004 hanggang 2008 at Pebrero 2015.

Ang youtube video ay umabot ng higit isang milyong views sa unang araw palang inilabas.

Facebook Comments