Isang Hello Kitty tricycle sa Tondo, pinagaagawan dahil may libreng pagkain at pampaganda

Image via ABS-CBN News

Itinampok sa ABS-CBN Bandila ang isang tricycle sa Tondo, Manila na pinamumulatian ng Hello Kitty at may libreng pagkain at pampaganda sa loob nito.

Pagkapasok sa loob ng tricycle ay may libreng pastilla at crinkles “for your bitterness”, libreng pulbo “for your freshness” at alcohol “for your cleanliness.”

Meron din siyang electric fan, tubig, nail cutter, eyebrow, charger at TV.


Ayon sa may-ari ng tricycle na si Ryan Acevedo, ginawa niya raw ito upang maakit ang mas maraming pasaherong sasakay dito.

Ang ideya rin ng Hello Kitty characters ay dahil sa kaniyang anak na babae.

Paraan na rin ito ni Ryan upang pasalamatan ang mga pasahero sa pagsakay nila.

Facebook Comments