Willie Revillame, mamimigay ng limang milyong piso sa mga jeepney driver

Nag-donate ng 5 milyong piso ang TV host na si Willie Revillame sa mga jeepney driver maging sa mga taong nangangailangan.

Ito ay matapos dumalo ang TV host sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong araw.

Ayon kay Willie, nakakabagbag damdamin na makitang namamalimos ang mga Pilipinong apektado ng COVID-19 pandemic.


Kasabay nito, willing din ang TV host na magbigay ng 100 libong piso sa naiwang pamilya ng apat na Overseas Filipino Workers (OFWs) na namatay sa nangyaring pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Facebook Comments