Bumbero, pumailalim sa kotse para iligtas ang na-stuck na kuting

48

Ikinatuwa sa Twitter ang video ng isang fire department sa New York, kung saan nakuhanan ang kanilang bumbero na pumailalim sa sasakyan para ilabas ang na-stuck na kuting.

Ayon sa Rochester Fire Fighters Association, isang babae ang pumunta sa kanilang departamento at nagsabing may kuting sa ilalim ng kanyang sasakyan.


Nang gumapang para hanapin ang kuting, nakitang naka-stuck ito sa undercarriage, bandang likuran ng sasakyan.

Tumulong na ang isa pang bumbero at ligtas namang nailabas ang kuting na ngayon ay iniuwi ng isa sa mga bumbero.

Facebook Comments

From Advertisers