Warriors bumawi sa Game 5 kontra Raptors

184
Image via Twitter/Golden State Warriors

Buhay pa ang Golden State Warriors matapos manalo ng isang puntos kontra Toronto Raptors sa Game 5 ng NBA finals. Ang final score ay 106-105.

Ginanap ang laban sa teritoryo ng Raptors kagabi, oras ng Estados Unidos.


Pinangunahan ito ni Stephen Curry na mayroong 31 puntos at nagkamit ng 26 puntos si Klay Thompson.

Nahabol ng Warriors ang anim na puntos na lamang ng Raptors matapos magsanib puwersa sina Curry at Thompson para sa tatlong sunod na three points sa natitirang minuto ng laro.

Sa second quarter ng Game 5, inilabas si Kevin Durant dahil sa tinamong injury.

Samantala, 26 puntos ang naiambag ni Raptors star player Kawhi Leonard.

Dahil sa panalo, isa na lang ang hahabulin ng GSW para maitabla ang serye na kasalukuyang 3-2. Balik Oracle Arena ang Game 6 ng best-of-seven finals sa darating na Sabado, oras ng Pilipinas.

Facebook Comments

From Advertisers