Itinuturing na bayani ang isang football coach mula Portlan, Oregon matapos nitong tulungan ang estudyanteng nagtangkang magpakamatay gamit ang hawak nitong baril, na nangyari noong buwan ng May, ngayong taon.
Sa surveillance video ng Parkrose High School, makikita ang estudyanteng si Angel Granados-Diaz na naglalakad sa hallway papunta sa isang classroom kasunod lamang ng coach na si Keanon Lowe.
Maya-maya ay makikita ang nagtatakbuhang mga estudyante palabas ng naturang kwarto.
Dito na makikita si Lowe na may hawak na baril sa kanang kamay at sa kaliwang kamay nito ay makikita si Granados-Diaz.
Pumasok ang isang staff saka kinuha ang naturang baril.
Matapos nito ay niyakap ni Lowe ang estudyante pagkatapos ay naupo sa sahig hanggang sa dumating ang mga pulis.
Ayon kay Lowe, nagkaroon raw sila ng emosyonal na sandali habang nag-uusap.
“In that time, I felt compassion for him. A lot of times, especially when you’re young, you don’t realize what you’re doing until it’s over,” aniya.
Sa pahayag na inilabas ng district attonrney’s office, mayroon daw suicidal statements si Granados-Diaz sa kanyang mga kaklase ngunit wala umano itong balak na paputukan ng baril ang mga ito.
Sabi naman ni Adam Thayne, abogado ng bata, wala raw intensyon ang estudyante na saktan ang kahit sino maliban sa kanyang sarili.
“Angel would like to thank Mr. Lowe, the first responders, the Parkrose High School community, and all those who have supported him throughout this process,” aniya.
Napatunayang guilty si Granados-Diaz sa ‘unlawful possession of a firearm in a public place’ at ‘unlawful possession of a loaded firearm in public’, kung saan nasintensyahan siya ng tatlong taon na probasyon.
Ayon kay Deputy District Attorney Parakram Singh, “Through the course of the investigation it became clear to law enforcement and our office that Mr. Granados-Diaz did not have the intent to hurt anyone other than himself while at Parkrose High School.”
Isasailalim naman sa mental health and substance abuse treatment si Granados-Diaz ayon sa district attorney’s office.