PANOORIN: Komodo dragon, lumunok ng isang buhay na unggoy

via ViralHog

Nakuhanan sa video ang isang Komodo dragon sa Indonesia, na kumain ng isang buong unggoy.

Limang lunok lamang ang ginawa nito bago tuluyang maging lamang-tiyan ang unggoy.


Tinagurian ang Komodo dragon na isa sa mga pinakamapanganib na reptile sa buong mundo, at pinakamalaki sa pamilya ng mga butiki.

Maaari itong tumimbang ng hanggang 366 pounds o 166kg, ngunit mas marami ang tumitimbang ng nasa 150 pounds o 68kg, ayon sa Smithsonian’s National Zoo & Conservation Biology Institute.

Kilala rin ang Komodo dragon sa nakamamatay na kamandag nito na may lasong magdudulot ng pagbagsak ng blood pressure at matinding pagdurugo.

Carnivorous o kumakain ng kahit anong uri ng karne ang Komodo dragon, pero base sa tala ng National Geographic, kadalasang kinakain ng mga ito ay usa, baboy, maliliit na dragon at minsan ay water buffalo.

Ayon pa sa NatGeo, kaya ng ganitong uri na kumain ng mga hayop na may 80% ng bigat nila sa isang kainan dahil sa lakas ng kanilang mga panga at muscles sa leeg.

Sa nakalipas na 40 taon, nasa apat na tao ang naitalang napatay ng isang Komodo dragon.

Facebook Comments